Friday, September 22, 2006

Panganay ng Lupa - CCP Showing

PANGANAY NG LUPA

isang dula hinggil para sa kalikasan
para sa programang

WAITING IN THE WINGS
ng Cultural Center of the Philippines

September 28, 2006, Huwebes / 5:00 p.m.
Tanghalang Amado Hernandez (Conference Hall)
Cultural Center of the Philippines, Manila

FREE ADMISSION/Libre po ito!
Paki-reserve po ang inyong free tickets kay
Nikki Torres (02)832-2314, 8321125 local 1607

Marami pong salamat at
Kita-kits po tayo dun!

Itinatanghal ang
MASKARA, Incorporated
-isang community-based theater organization na naka-base sa
General Mariano Alvarez, Cavite
katulong ang

LAKBAY LAHI
ensemble
para sa paglalapat ng musika
at

SININGBAYAN
para sa pangangasiwa ng produksyon at ilaw

Wednesday, September 13, 2006

Sanay Sining - Sa Palengke:Dalawang Kwento

Narito ang kinalabasan sa nagaganap na Sanay Sining ng Sining Bayan noong nakaraang 10 Setyembre, 2006. Bumuo ang mga partisipant ng dalawang magkahiwalay na istorya mula sa kanilang mga indibidwal na istorya. Pinaghabi-habi ang mga bahaging nakapukaw sa kanilang isipan o damdamin.

Ang layunin ng aktiviti ay upang masanay ang mga partisipant sa biglaan at mabilisang pag-iisip, pagsasama-sama at pagsasaayos ng mga ideya, proposisyon, suhestyon at iba pang bagay na makakatulong sa kanilang kumilos bilang isang grupo at makamit ang kanilang layunin.

Narito ang unang kwento:

Isang gabing tahimik ang dumating. Ang mga kuliglig ang tanging naririnig sa bayan. Sa dako ng silangan, may usap-usapang andoon ang isang engkantada. Ang pangit ng engkantada! Mukha siyang gurang na may makaling nunal sa ilong. Para akong isang anghel noong mga oras na iyon dahil sa aking kabaitan. Hinagis ko ang otap na parang flying saucer. Tinamaan ang ahas sa ulo. Makalipas ang isang linggo, naisipan niyang mangumpisal. Nagmamadali siyang maglakad upang makalayo kaagad sa sementeryo ng biglang may narinig siyang boses ng isang babae. Siya pala si Bakekang, hindi siya engkantada, ngunit siya ay isang simpleng babaeng mas pinili ang manirahan sa gubat kasama ang mga puno at hayop na nagbibigay ng pag-asa at saya sa kanya.

Narito naman ang ikalawang kwento:

Isang umaga habang papunta si Carla sa ilog, nakasalubong niya si Basilio na inutusan ng nanay niyang bumili ng suka. Nagkita sila ni Monico na magkausap. Nalaman niya na papunta pala sila sa ilog para maglaba, magbanlaw, magsampay hanggang sa ito'y hindi na nakauwi. Ang sabi ni Monico ay may binasa lang siya sa poste. Napangiti siya habang di niya napansing may luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Nakita ito ni Basilio at nagselos at sinapak niya si Monico. Dugo ang ilong. Nakita ni Ate Ave, sinabunutan si Carla. Nagaway-away ang apat at namatay silang lahat at sa ilog nagkaroon ng lamay.

----------------------------------------

Ang writing exercise ay sinundan ng isang team-building game naging pagsubok kung paano nila isasagawa sa kongkretong paraan ang mga bagay na unti-unting itinuturo sa kanila mula sa mga naunang writing exercise: mabilisang pag-iisip, pakikinig at pagtanggap ng mga suhestyon, pakikipag kaisa, pagiging malikhain, maparaan at pagtutulungan.

Sa susunod na sesyon ng Sanay Sining ay pagpapatuloy lamang ng nakaraang sesyon pero ito'y magpopokus sa pagiging malikhain.

Ang lahat ay inaanyayahan na sumali sa Sanay Sining na gaganapin sa ika-24 ng Setyembre, 2006 sa Father Michael Donoher Memorial School, Silang, Cavite.

Para sa mga karadgadang impormasyon, mag e-mail lamang sa siningbayan (at) gmail (dot) com

Paalala sa mga partisipants na dalhin ang mga sumusunod:
  1. lubid o tali na kasing haba ng inyong isang dipa
  2. notebook at bolpen

Sunday, September 03, 2006

Welcome to our new blogger home

Narito na ang bagong blogspot ng Sining Bayan. Maraming updates ang darating, kinailangan ko lang ipaskil ito para sa kung sino man ang maliligaw sa blog na ito. hehehe