Thursday, November 01, 2007

Potpot and Tetay's Birthday Bash

Noong Lunes ay muling nagkasama-sama ang mga ilang myembro ng Sining Bayan upang ipagdiwang ang kaarawan nina Potpot at Tetay.

Nagluto kami ng pancit at pagkatapos kumain ay sinimulan na ang kulitan, tawanan, asaran, tugtugan at kung anu-ano pa.

Tama ang inyong nabasa, kahit na noong araw na iyon ay araw ng eleksyon para sa SK at Barangay, na nangangahulugan ng "alcohol ban" nakapaginuman pa rin ang tropa. hehehe Malupet talaga kami.

Kasama namin sa kasiyahang ito sina Harold, RJ, Agie, Jacob, Kuya Julius, Karen, Martin at shempre ang mga may birthday, sina Tetay at Potpot.

Bagaman kakaunti kami ay masaya naman at nabusog sa pancit. Ang mas astig pa nito, naka-5 bilog ang Sining Bayan, walang sumuka, walang naging makulit, walang sabit. Sa tingin pa nga ay parang bitin pa, hehehe

Pero dahil sa malalim na ang gabi, madaling na nga ata yon, kaya minarapat na naming maghiwa-hiwalay pansamantala. Sa susunod, mas marami, mas malaki, mas makulit at mas masaya ang mga kasiyahan.

Narito ang ilang sandali mula sa kasiyahang ito:





At dahil may gitara, mayroong kantahan:



At dahil may camera-phone, mayroong bidyo. hehehe



Maraming salamat sa mga dumating! :D Sa susunod, mas kumpleto na tayo!

Maligayang kaarawan kina Potpot at Tetay!!! :D

Sunday, September 16, 2007

May meeting tayo sa Sept 23, 2007

Mga ka-SB

Kamusta na kayo?

Malapit na ang October kaya simula na uli ng ating "theater season" mabubuhay na uli tayo! hahaha

Para pasimulan ito may meeting tayo sa Sept 23, 2007 2pm sa FMDMS.

Ang ating mga paguusapan ay ang:

  • 3 forums para na pangungunahan natin sa MYDC
  • 2 Productions: Rizal at Bonifacio
  • 1 Halloween party
  • 1 Christmas party

Malupet diba?!

Kaya wag kayo mawawala sa Sept 23, 2007, 2pm sa FMDMS.

Kita-kits tayo!

Saturday, June 30, 2007

SB sa Youth Congress 2007

Noong nakaraang June 23-24 ay dumalo ang Sining Bayan sa ikalawang Kongreso ng mga Kabataan sa Bayan ng Silang. Ito ay inorganisa ng Municipal Youth Development Council sa pangunguna ng butihing Alkalde ng Silang na si G. Areng Poblete.

Ito ay ginanap sa Villa Julia Resort kung saan nakasama namin ang iba't-ibang mga lider-kabataan na nagmula sa iba't-ibang paaralan at organisasyong pang kabataan sa Silang. Masaya at makabuluhan ang 2 araw na itinagal ng Kongreso kung saan nagsanay sa pamumuno, pagkakaisa at pagkakapatiran ang mga delegado sa ilalim ng temang:

Kabataang Silangueño: May Pinag-isang mithiin aktibong pakikilahok sa pag-unlad ng lipunan.

Ang naging tampok na gawain sa Kongreso ay ang pagkakaroon ng pormal na sesyon o pagpupulong upang makapagpasa ng mga resolusyong makakatulong sa kaunlaran ng kabataan sa Silang.


Ilan sa mga resolusyong naipasa ng Kongreso ay ang pagpapatawag ng isang pagtitipon ng mga manggagagawang kabataan sa Silang upang sila'y magorganisa, ang pagdagdag sa mga pulis na magbabantay sa seguridad ng mga mamamayan, ang pagdaraos ng isang sports festival.

Nawa, sa tulong ni SK President Aidel Belamide, ang mga resolusyong ito ng kabataan ng Silang ay dinggin at bigyang katuparan ng Sangguniang Bayan ng Silang.

Bilang pagtatapos, nagkaroon ng halalan ng bagong Presiding Officer ng MYDC. Sa pagtitiwala at pananalig ng mga ibang organisasyon at delegado, si Julius Rocas ng Sining Bayan ay nahalal bilang bagong Presiding Officer. Ang Sining Bayan ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagkakataong ipinagkaloob dito at makakaasa ang mga kasaping organisasyon sa MYDC na gagampanan ng Sining Bayan ng tama ang bagong tungkuling ito.

Tama na ang kaseryosohan, picture-picture muna!



















At shempre ang panghuli, isang maikling video:










Thursday, June 14, 2007

Si Karen...

Isa sa mga malupet na miyembro ng Sining Bayan ay si Karen "Bayugo" Toledo.

Bakit siya naging malupet at astig? Bukod sa kanyang pagiging kalog, palakaibigan, mabait, magaling umarte at mag-inarte atbp. may mga bagay siyang nagagawa na di kayang gawin ng iba pang miyembro ng Sining Bayan.

Panoorin nyo na lang 2 video niya....


At narito pa ang isa....


Salamat Karen! Malupet ka!

Monday, June 11, 2007

Congrats sa mga bumuo ng Silang Magigiting 07

Maraming, maraming salamat sa mga bumuo ng Silang Magigiting 2007!!!

Ang lulupet nyo talaga, kahanga-hanga ang inyong galing, sipag at tyaga!

Narito ang mga astig na member ng Sining Bayan na nakasama at bumuo sa Silang Magigiting 07

  • Gerald Anciado
  • Jeric Toledo
  • Marlon Mugar
  • Sheryll "Bonsai" Bayas
  • Sally Enriquez
  • Maireen Quiatson
  • Cristy Reyes
  • Ave Rocelle Basilio
  • Monico Benamir
  • Raniel Nicdao
  • Jacob Garces
  • Argie Balanoba
  • Harold Aaron Marayag
  • Rommel James Ampo
  • Anica Anacay
  • John Martin Santos
  • Maedel Mendoza
  • Misffa Guinto
  • Sarina Sasaki


Shempre, tunog at musika nina:
  • Argie Balanoba
  • Jacob Garces
  • Micheal Cañares
  • Julius Rocas

Espesyal na pasasalamat kay Direk Abet Gavino sa kantang; "Bo. Latag"

Direksyon ni Julius Rocas

Pasasalamat sa Pamahalaan ng Bayan ng Silang, kay Mayor Areng Poblete, Sir Philip Medina, at SK President Aidel Belamide.

Salamat din sa mga SB members na nanood;

Theejay Frias
Michael Garcia
Karen Toledo
Joanne Batino
Vince Tudela


Shempre, narito ang mga ilang litrato mula sa produksyon:
















Ang kabuuang album ay pwede niyong makita dito:

Silang Magigiting 07


Maraming maraming salamat sa inyong lahat!!!

Friday, May 25, 2007

Sining Byan Videos: Slideshow 2007

Mga ka-SB, ang malupet nating kasama na si Agie ay gumawa ng isang slideshow kung saan makikita ang mga litrato mula sa nakaraang outing sa Villa Julia at mga nakaraang produksyon.

Panoorin nyo at sana ay magustuhan ninyo! Ilagay nyo na rin sa mga Friendster profile niyo!



Narito ang link sa YouTube: http://www.youtube.com/watch?v=GsPuq6sA2u4

Tuesday, May 15, 2007

SB Outing: Hindi malilimutang Tampisawan

Maraming maraming maraming salamat sa mga ka-SB na sumama sa GA-outing noong May 12, 2007 sa Villa Julia.

Kahit na kakaunti tayo, tuyo at itlog na pula lamang ang ating mga pagkain, ay naging masaya, magulo at makabuluhan naman ang ating pagsasama.

Maraming salamat uli sa mga astig na sumama sa outing:

  • Agie
  • Mai
  • Tetay
  • Karen
  • Monico
  • Joerry
  • Ave
  • Anica
  • Misffa
  • Alexa
  • Jacob
  • Gladys
  • Harold
  • Potpot
  • Kuya Mike
  • Sarina
  • Kuya Julius
  • RJ
  • Leader Marlon

Salamat sa kulitan, sa pulutan, sa kwentuhan, sa tawanan, iyakan, basaan at pagiging kaibigan. Dahil dito, siguradong titibay at magiging mas malupet ang Sining Bayan sa darating na mga produksyon, pag-aaral at pag-oouting.

Sa mga hindi nakasama, kalungkot naman at sana sa susunod, makasama namin kayong lahat.

Heto naman ang munting video ng "sharing" kung saan sinagot ng mga members ang tanong na:

"Ano ang nakuha nila Sining Bayan, at ano naman ang ibibigay nila sa Sining Bayan?"






Individual Sharing from jhayrocas on Vimeo


Hanggang sa muli, ngayon ay narito naman ang ilang mga litrato mula sa outing:




Mga tatak ng Villa Julia


Sina Kare, Mai, Joerry, Ave at Monico




Alexa, Harold, Gladys, Agie, Sarina at Joerry


Karen, Mai, Harold, Lead Marlon, Monico, Ave, Tetay at Agie



Basaan na!




Hindi nalunod si Maireen, (Pwamis!)



Good morning Potpot!

Ang iba pang mga litrato ay makikita dito:

SB Outing 2007


Kita-kits tayo sa mga susunod na activities!

Thursday, May 10, 2007

SB Outing at Gen Assembly sa Villa Julia May 12, 2007

Mga kaibigan, kasama at ka-SB

Ang outing at Gen Assembly ng Sining Bayan ay sa May 12, 2007 Sabado sa Villa Julia.

Overnight ito kaya sa May 13 na ang uwian natin.

4-5pm ang kitaan sa kumbento.

Magdala ng sariling baso, plato, kutsara at tinidor.

P110.00 ang contribution per head.

Sana ay sumama kayo, dahil marami kaming inihandang activities para sa ating lahat.

Para sa mga katanungan i-text sina
kuya Agie: 09216245602
Ate Mai: 09154061602

Kita-kits tayo!

Saturday, May 05, 2007

SB sa UP diliman!

Sila ang mga ang representative ang Sining Bayan, Noong Mayo 03, 2007 sanaganap na Seminar sa UP diliman:
  • Ave basilio
  • Argie balanoba
  • Cristy reyes
  • Maireen quiatson
  • Joerry ambulo
Isang seminar tungkol sa environment at incineration ang naganap sa UP diliman!
Ako Bilang kasama sa grupo! nakinig, nakigulo, nakikain(
hanngang lalamunan lamang ang mga nakakain namin), at nakiisa. nakasama namin ang GAIA, CGC, GreenAction, Eco Wastes coalition, at marami pang ibang mgaorganisasyon. Halos tiga Cavite ang dumalo sa seminar na ito, dahil na rin itodaw ang target ang mga incinerators!. naging success ang naganap na

Narito ang mga Kuha sa litrato galing sa Seminar.

seminar!....
TEAM SB!




Tetay & Mai
Tetay, Mai & Ave

Mai & Tetay

Agie & Mai

Owell & Tetay
Joerry

Mai


Sa uulitin daming at nakabusog na Pagkain ha?..=)

ANg inyong Lingkod,
Agie

Monday, April 30, 2007

May outing ang SB!!!

Kay tagal ding hindi nagkaroon ng bagong balita dito sa blog ng Sining Bayan.

Pero wag na malungkot dahil narito na ang pinakalatest sa Sining Bayan. Sa May 12, 2007, (sana nga matuloy talaga) ay magkakaroon ng outing at GA ang Sining Bayan. Wohoo!

Hindi pa alam kung saan, sa Villa Julia ba uli? O doon sa Mamu's place, sa Munting Ilog na hindi pa namin nararating. Ito lang ang pinagusapan kahapon sa FMDMS. Nakakatuwa na muli naming nakasama si Tetay, ang magiting na dating pangulo ng Sining Bayan.

Naging masaya naman at medyo maayos ang meeting, yun nga lang kakaunti ang dumating na bagong members. Hay....

Pero para mawala ang kalungkutan, inihahatid namin sa inyo ang ilang eksena at pangyayari sa nakaraang meeting kahapon ng Sining Bayan. Bida si Ave sa videong ito. hehehe



Ngayon narito naman ang ilang mga litrato mula sa pulong.












Sundan ang mga susunod na kababalaghang gagawin ng Sining Bayan!

*mga kuha ni Kuya Jhay

Thursday, February 01, 2007

Karakol 2007!!!

Happy Fiesta sa ating mga Silangueño!!

Kayo aming iniimbitahan na manood ang Karakol ng Bayan, na pangungunahan ng mga kabataan ng ating Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria.

Shempre, sa February 3, 2007. 1pm

Para sa mga kasali, ang tagpuan ay as SK Hall, 11:30 ng umaga pakisuot lamang ang official t-shirt ng inyong organisasyon. Magbaon din ng panyo, sumbrelo o scarf para panakip sa ating mga ulo.


Ang ilan sa mga organisasyong pangkabataan na bumubo sa Parish Youth Ministry na sasama sa karakol ay ang mga sumusunod:

Sining Bayan
Knights of the Sacred Host
PYM-Malabag
Chiro Youth Movement
May Flower Organization
Singles for Christ at marami pa

Magkita-kita na lang tayo sa darating na Sabado!!

Mabuhay ang kabataan ng Silang! Maligayang Kapistahan!

Sunday, January 21, 2007

Nang Bata pa si Pepe - School Tour

Yes! Totoo ang nabasa niyo sa title ng post na ito, ang huling produksyon ng Sining Bayan, kasama ang ARTIST, Inc. na pinamagatang "Nang Bata pa si Pepe" ay ipapalabas sa iba't-ibang highschool sa bayan ng Silang, Cavite. Malupet diba?!

Narito ang iskedyul ng mga palabas at praktis para sa mga cast:

Rehearsal: January 24, 2007 - Wednesday SK Hall, 9am to 4pm
Palabas: January 25, 2007 - Thursday sa Gen. Vito National Highschool Oras at TBA (to be announced)

Rehearsal: February 10-11, 2007 - Saturday & Sunday, Gabaldon Hall, 9am to 4pm
Palabas: February 16, 2007 - Friday sa Infant Jesus Academy

Rehearsal: February 24-25, 2007 - Saturday & Sunday, Gabaldon Hall, 9am to 4pm
Palabas: March 2, 2007 - Friday sa Malabag National Highschool

Maraming salamat sa Munisipalidad ng Silang, Cavite, Knights of Rizal - Silang at Silang Water District.

Para sa mga katanungan, mag-comment lang dito o kaya mag e-mail sa siningbayan [at] gmail [dot] com

Monday, January 15, 2007

Maraming Salamat sa mga Dumalo!!!

Naging matagumpay ang muling pagpupulong ng Sining Bayan noong Linggo, ika-14 ng Enero sa Infant Jesus Academy. Kahit na maulan, maginaw at basa ang kalsada ay marami pa ring ang sumulong at nakigulo, nakisaya at nakiisa sa pagpupulong.

Karamihan sa mga dumalo ay mga bagong miyembro ng Sining Bayan. Ang mga talentado, malupet at astiging kabataan ng Silang na nagmula sa Infant Jesus Academy, Gen. Vito Belarmino National Highschool at Malabag National Highschool.

Narito ang mga mabangis na kabataang dumalo sa aming pagpupulong:

  • Argie Balanoba
  • Mari Joy Bangis
  • Ross Erwin Layugan
  • Mary Rose Buklatin
  • Francisco Merico
  • Joanne Batino
  • Maedel Mendoza
  • Sally Enriquez
  • Jeric Toledo
  • Marlon Mugar
  • Anica Anacay
  • Sarina Sasaki
  • Desilyn Beltran
  • Ellaine Javier
  • Yvan Marie Ayo
  • Misffa Guinto
  • Jacbo Garces
  • Joerry Llyod Ambulo
  • Ma. Laya Cabales
  • Ma. Cristina Ricafrente

At shempre, ang aming mga espesyal na bisita mula sa Fondacio formation Center si Lucy Gumek at Mam Theresa. Sana ay makasama namin uli kayo, at sa mga dumalo, maraming salamat at mabuhay kayo!

Marami pang kwento tungkol sa mga ginawa noong Linggo ang darating, hanggang dito na lang muna. hehehe

Good luck nga pala sa mga kukuha ng periodic exams sa Gen. Vito Nat'l Highschool!