Saturday, June 30, 2007

SB sa Youth Congress 2007

Noong nakaraang June 23-24 ay dumalo ang Sining Bayan sa ikalawang Kongreso ng mga Kabataan sa Bayan ng Silang. Ito ay inorganisa ng Municipal Youth Development Council sa pangunguna ng butihing Alkalde ng Silang na si G. Areng Poblete.

Ito ay ginanap sa Villa Julia Resort kung saan nakasama namin ang iba't-ibang mga lider-kabataan na nagmula sa iba't-ibang paaralan at organisasyong pang kabataan sa Silang. Masaya at makabuluhan ang 2 araw na itinagal ng Kongreso kung saan nagsanay sa pamumuno, pagkakaisa at pagkakapatiran ang mga delegado sa ilalim ng temang:

Kabataang Silangueño: May Pinag-isang mithiin aktibong pakikilahok sa pag-unlad ng lipunan.

Ang naging tampok na gawain sa Kongreso ay ang pagkakaroon ng pormal na sesyon o pagpupulong upang makapagpasa ng mga resolusyong makakatulong sa kaunlaran ng kabataan sa Silang.


Ilan sa mga resolusyong naipasa ng Kongreso ay ang pagpapatawag ng isang pagtitipon ng mga manggagagawang kabataan sa Silang upang sila'y magorganisa, ang pagdagdag sa mga pulis na magbabantay sa seguridad ng mga mamamayan, ang pagdaraos ng isang sports festival.

Nawa, sa tulong ni SK President Aidel Belamide, ang mga resolusyong ito ng kabataan ng Silang ay dinggin at bigyang katuparan ng Sangguniang Bayan ng Silang.

Bilang pagtatapos, nagkaroon ng halalan ng bagong Presiding Officer ng MYDC. Sa pagtitiwala at pananalig ng mga ibang organisasyon at delegado, si Julius Rocas ng Sining Bayan ay nahalal bilang bagong Presiding Officer. Ang Sining Bayan ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagkakataong ipinagkaloob dito at makakaasa ang mga kasaping organisasyon sa MYDC na gagampanan ng Sining Bayan ng tama ang bagong tungkuling ito.

Tama na ang kaseryosohan, picture-picture muna!



















At shempre ang panghuli, isang maikling video:










Thursday, June 14, 2007

Si Karen...

Isa sa mga malupet na miyembro ng Sining Bayan ay si Karen "Bayugo" Toledo.

Bakit siya naging malupet at astig? Bukod sa kanyang pagiging kalog, palakaibigan, mabait, magaling umarte at mag-inarte atbp. may mga bagay siyang nagagawa na di kayang gawin ng iba pang miyembro ng Sining Bayan.

Panoorin nyo na lang 2 video niya....


At narito pa ang isa....


Salamat Karen! Malupet ka!

Monday, June 11, 2007

Congrats sa mga bumuo ng Silang Magigiting 07

Maraming, maraming salamat sa mga bumuo ng Silang Magigiting 2007!!!

Ang lulupet nyo talaga, kahanga-hanga ang inyong galing, sipag at tyaga!

Narito ang mga astig na member ng Sining Bayan na nakasama at bumuo sa Silang Magigiting 07

  • Gerald Anciado
  • Jeric Toledo
  • Marlon Mugar
  • Sheryll "Bonsai" Bayas
  • Sally Enriquez
  • Maireen Quiatson
  • Cristy Reyes
  • Ave Rocelle Basilio
  • Monico Benamir
  • Raniel Nicdao
  • Jacob Garces
  • Argie Balanoba
  • Harold Aaron Marayag
  • Rommel James Ampo
  • Anica Anacay
  • John Martin Santos
  • Maedel Mendoza
  • Misffa Guinto
  • Sarina Sasaki


Shempre, tunog at musika nina:
  • Argie Balanoba
  • Jacob Garces
  • Micheal Cañares
  • Julius Rocas

Espesyal na pasasalamat kay Direk Abet Gavino sa kantang; "Bo. Latag"

Direksyon ni Julius Rocas

Pasasalamat sa Pamahalaan ng Bayan ng Silang, kay Mayor Areng Poblete, Sir Philip Medina, at SK President Aidel Belamide.

Salamat din sa mga SB members na nanood;

Theejay Frias
Michael Garcia
Karen Toledo
Joanne Batino
Vince Tudela


Shempre, narito ang mga ilang litrato mula sa produksyon:
















Ang kabuuang album ay pwede niyong makita dito:

Silang Magigiting 07


Maraming maraming salamat sa inyong lahat!!!